ang pag-iisip ng Panginoon ay kaiba sa kaisipan ng tao.
sa pagsunod sa kanya, natutuklasan nating:
mawalan para magkaroon.
sumuko para manalo.
mamatay para mabuhay.
magbigay para may matanggap.
maglingkod para maghari.
maghasik para umani.
sa ating kahinaan tayo'y pinalalakas.
sa ating pagkaaba tayo ay itinataas.
at sa ating kawalan tayo ay pinupunan.....
Friday, February 06, 2009
gamot sa puso
mayroon daw 3 lason sa ating puso: kasakiman, poot at takot.
subalit sa pagbabahagi, nagagamot ang kasakiman;
sa pagkahabag, humuhupa ang poot;
at sa pananalig nalalagpasan ang takot.
subalit sa pagbabahagi, nagagamot ang kasakiman;
sa pagkahabag, humuhupa ang poot;
at sa pananalig nalalagpasan ang takot.
mulat ang mata
Kung ako ay mananalangin
Imumulat ko aking mga mata
Para lahat ay aking makikita
Walang ikukubli sa aking paningin
Kung ako ay mananalangin
Imumulat ko aking mgat mata
Ipagdarasal ko lahat ng kakilala
Hanggang matupad dalangin nila
Imumulat ko aking mga mata
Para lahat ay aking makikita
Walang ikukubli sa aking paningin
Kung ako ay mananalangin
Imumulat ko aking mgat mata
Ipagdarasal ko lahat ng kakilala
Hanggang matupad dalangin nila
panalangin
Kailangang malaman ng Diyos ang iyong kailangan
Hindi dahil madali siyang makalimot
Kung hindi dahil gusto niyang madama
Ang tamis ng iyong panalangin
Hindi dahil madali siyang makalimot
Kung hindi dahil gusto niyang madama
Ang tamis ng iyong panalangin
Subscribe to:
Posts (Atom)