Monday, July 23, 2012
The Guild of Blessed Titus Brandsma: Blessed James Alberione, pray for us
The Guild of Blessed Titus Brandsma: Blessed James Alberione, pray for us: Today is the 40th anniversary of the death of James Alberione, Founder of the Pauline Family. He was born in San Lorenzo di Fossano (Cuneo),...
Monday, July 02, 2012
itik ka ba?
Ayon sa nabasa kong artikulo ang isang itik ay kailangang maglabas ng langis mula sa gland na malapit sa kaniyang buntot patungo sa pagitan ng kanyang mga pakpak para makalutang ito sa tubig. Ito ang paghahanda niyang ginagawa bago lumusong sa tubig, kung hindi niya ito gagawin maari siyang malunod. Nakatatawang isipin ano? Ang isang itik na napakagaling lumangoy ay maari pa lang malunod kung hindi siya nakapaghanda sa paglangoy.
Sa pang araw-araw nating buhay, para rin tayong mga itik. Lumulusong sa at nakikipag buno sa tubig. Para mabuhay, kailangang manatiling nakalutang ano mang lakas ng hampas ng alon at ano pang lalim ng tubig. Pero paano ba tayo naghahanda,para manatiling nakalutang? Magandang damit, bagong sapatos, gel o lipstick. Kaya na kaya ito, o kaya nama’y mga gadget na bago. Dapat laging fully charged para handa sa kahit anong emergency. Teka, nasubukan mo na bang magdasal? Yung pagkagising mo pa lang ‘salamat Panginoon’ agad ang nasabi mo dahil nagising ka muli. Dasal pa rin habang naliligo dahil malakas ang tubig at hindi pa kayo napuputulan ng Maynilad. Sa pagkain, dasal pa rin dahil may nakahain sa mesa at ang bigasan ay may laman pa. At dasal muli bagao lumabas ng bahay para gabayan ka sa buong araw.
Panalangin. Nakalusong pero nananatiling nakalutang sa tubig. Kapag ginawa mo ito daig mo pa ang naka Cobra energy drink – wala kang talo!
I offer this prayer to you.
Numbers 6:24-26.
May the Lord bless you and take care of you; may the Lord be kind and gracious to you; may the Lord look on you with favor and give you peace.
Labels:
boy pick-up,
edward dantis,
itik,
num 6:24-26,
numbers 6:24-26,
panalangin,
pick-up,
pick-up line
Subscribe to:
Posts (Atom)