nakimisa kami today sa mga kapatid naming madreng paolino, nagtapos na sila ng kanilang chapter. gaya ng isang libro, new chapter na nga ng kanilang kongregasyon dahil sa new government na nai-elect nila. masarap ang pakiramdam na nasa isang malaki akong pamilya, ang pauline family. may mga ate akong nakabelo gaya nila mula sa ibat-ibang bansa at lahi. lakas maka proud. may mga pinay din akong nakita at nakausap, familiar na salita sa familiar na pagkakataon.
marami sa kanila ay misyonero at italian ang gamit ng lahat para magkaintindihan. italian na una kong kinatakutan at halos ayawan, ngayon ay pinipilit pa ring maintindihan. ang sarap muling makarining ng mga kapit-bahay mong maingay pero tagalog ang salita nila. mga brothers kong madaldal at mga pamangkin kong makukulit! at least one thing is constant, what ever words we use or even without words we can be understood by our God.
Saturday, October 05, 2019
Friday, October 04, 2019
araw ni San Francisco ng Assisi
makakapag post din matapos ang mahabang panahon.
nanood kami ng fireworks sa rooftop ng aming novitiate house, piyesta kasi ni San Franciso. isa siya sa mga santong napamahal na sa akin. mula sa Capuchin house sa gawing itaas ng lugar namin masisilip ang kung ilang minutong pa-ilaw.
naisip ko na ginto din siguro ang lagay kapag new year dito sa Albano sa Roma, Italya. masaya kaya, makulay at maingay pero ganun din ba sa dibdib? makulay ang paligid at maingay din sa mga gilid pero sa loob nakabibingi ang katahimikan, wala din masyadong kulay.
ilang buwan na lang at uuwi na rin kami sa Pilipinas! makulay at tunay na maingay, kaya ko itong paglalakbay na ito. hindi naman ako nag iisa, kasama ko ang Panginoon at ang kaniyang mga santo, ganun din ang mga brothers ko.

Monday, July 01, 2013
Magninilay
Magninilay, makikiramdam.
Magdarasal ng taimtim.
Magmumulat ng mata, magmamahal ng wagas.
Mabubuhay para sa iba.
Magdarasal ng taimtim.
Magmumulat ng mata, magmamahal ng wagas.
Mabubuhay para sa iba.
Subscribe to:
Posts (Atom)