nakimisa kami today sa mga kapatid naming madreng paolino, nagtapos na sila ng kanilang chapter. gaya ng isang libro, new chapter na nga ng kanilang kongregasyon dahil sa new government na nai-elect nila. masarap ang pakiramdam na nasa isang malaki akong pamilya, ang pauline family. may mga ate akong nakabelo gaya nila mula sa ibat-ibang bansa at lahi. lakas maka proud. may mga pinay din akong nakita at nakausap, familiar na salita sa familiar na pagkakataon.
marami sa kanila ay misyonero at italian ang gamit ng lahat para magkaintindihan. italian na una kong kinatakutan at halos ayawan, ngayon ay pinipilit pa ring maintindihan. ang sarap muling makarining ng mga kapit-bahay mong maingay pero tagalog ang salita nila. mga brothers kong madaldal at mga pamangkin kong makukulit! at least one thing is constant, what ever words we use or even without words we can be understood by our God.
Saturday, October 05, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment