bago ako umalis ng bahay ay hiniling ko sa Panginoon na gabayan
niya ang araw ko. alisin ang mga agam-agam at takot sa dibdib ko.
ihinabilin ko ang aking pamilya, trabaho at bokasyon ko. lalong lalo
na ang mga mangyayari sa maghapong tatahakin ko.
mahalaga ang july 22 na ito, kakaiba sa mga july 22 na naranasan ko.
tatanggapin ko na kasi ang sagot sa application ko. ang muling makabalik
sa formation. matapos ang halos dalawang taon na pagiisip, pagninilay
panunuri at pagtataya. muli akong nagtangka.
alas diyes ang takdang oras ng schedule ko. tinapos ko ang aking trabaho.
mula sa isang makapigil hininga at parang nasa pressure cooker na
gawain ay susuong ako muli sa isang kalmante at tahimik na environment.
nakarating ako sa oras na itinakda. nagsimula sa kuwentuhan ang lahat.
sa halos kalagitnaan ng usapan ay inilahad na sa akin ang sagot nila sa
application ko.
tanggap ako.
biglang nag-iba ang timpla ko. kagaya rin ngayon ng isinusulat ko ang
karanasang ito. hindi kayang i-contain ang pakiramdam ko sa mga
salita. nanlalambot ako, nanlalamig. gusto kong umiyak sa pagitan ng
aking mga tango at sagot sa mga itinatanong sa akin. parang natatakot
ako na hindi ko alam. masaya na nagaagam-agam. sigurado pero may
mga taong. may mga sagot sa isip pero hindi tiyak.
maraming magbabago sa plano ko. may mga taong tiyak kapag nalaman
ay maapektuhan.
pero nanalig ako. isinuko ko na ang lahat bago ko pa malaman ang sagot
sa application ko. ayaw ko munang magplano at manguna. Bahagi ang
lahat na ito sa plano Niya. mananalig ako, magtataya at magmamahal
Wednesday, July 23, 2008
sa panalangin ko
Labels:
edward dantis,
journey,
life change,
panalangin,
pananalig,
prayer,
reflection
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment