July 8, 2010
Bukas yon. Bro Cash Yon! and Bukas yun.
Prologue:
Masaya na ako sa mga pinagdadaanan ko dahil binigyan ako ng ng mga ito ng pagkakataong makilala ang aking sarili. Ang kahinaan, kalakasan, mga takot, pinagtataguan, tinatalikuran, mga kayang gawin at mapagtatagumpayan. Ang makita ang buhay na nais kong tahakin, buhay relihiyoso – ngayon pa ay sa Kapisanan ni San Pablo. At ang makilala ang Diyos na nais kong pagsilbihan/paglingkuran. To love the Lord profoundly and seek what he wants of me.
Act 1: Bukas Yon.
Tell the world of his love. World Youth day ’95. Siguro most of you ay nasa grade school pa noon or baka nga hindi pa nag-aaral. After attending the big celebration and one of my greatest faith experience, dinapuan ako ng lagnat na hindi na humupa at umalis sa akin. 3rd year college ako noon pero nadama ko ang lakas at kapangyarihan ng kabataan na maging bahagi ng simbahan at ng misyon nito. I wanted to partake in the ministry and tend the vineyard. Nagpaalam ako sa amin na papasok ako ng seminaryo. Malaking pagtutol ang natanggap ko. Kasi nga naman ay mahirap lang kami at ako ang inaasahn nilang tutulong sa kanila pagkatapos ko mag-aral. Umaasa silang makahahanap ako ng trabaho at magaahon sa aming lahat. Pakiramdam ko noon ay kinukulong ako at hostage ng pamilya ko.
I was so restless. May mga panahon na gusto kong tumakas sa amin at makipagtanan sa Diyos.
It was a noble idea but the repercussion of it I could not imagine. Losing the eldest son, the would be jewel and passport to a good life. Ang sabi ko, my heart was restless until it found rest in you my God. Kung sino-sino na ang kinausap ko, ex-seminarian, priests and spiritual directors. Ang takot ko noon ay ang ipagpaliban ang bokasyon ko, baka kasi kapag lumaon ay mawala na ito. Pero sabi ng isang kaibigan kong ex-seminarian: kung tunay na Bokasyon yan, ipagpaliban man ng ilang taon at harangan ka pa ng sibat – nariyan yan. Isan pang takot ay ang hindi pagtugon sa panawagan ng Diyos, sa pagsunod sa mga magulang ko na huwag muna pumasok. Sabi naman ng paring nakausap ko: look at it this way, maybe God is asking you to respond to his call through your family. Dito lang natahimik ang damdamin ko at hindi muna ako pumasok, samahan pa ng ilang sessions ng inuman at yosihan na Bokasyon ang topic. Mabuti na lang at supportive ang mga kaibigan ko sa akin. Ang sabi ko sa sarili ko: sige at ‘Bukas na lang ang bokasyon na yan’.
At inabot nga ako ng 14 years sa pagpapabubukas na iyon. Hindi dahil sa talagang ginusto ko ito kung hindi sa dahilang tumulong muna ako sa amin. Nakapag pa-debut ako ng limang kapatid at nakatulong makapagpatapos ng apat sa kanila na ngayon ay mga propesyonal na. May mga pagkakataong naiiyak ako sa kalagitnaan ng misa kapag naala ko ang bokasyon na ipinagpaliban ko.
End of Act 1
Act 2: Bro Cash Yon!
Finally, matapos ang mahaba-habang panahon ay naglakas loob na akong tumawid sa kabilang daan at tunguhin ang landas na itititibok ng puso ko. Oops, may kaunting problema tayo kuya. The equation is: You are leaving your work + which means you will have no source of income = you will have no money. Oo nga pala. Kasi hindi naman ako nakapag save dahil I paid practically everything sa bahay namin, hindi sa nanunumbat pero nagiisip lang kung saan napunta ang aking mga kinita. Malaking hamon ito sa akin kasi back to zero ako. Pinakamalaking agenda ko sa prayer noon ang financial support. Sabi ko sa pamilya ko na noon pa, nanalangin ako ng sapat lamang at hindi sobra-sobra. Ngayong hindi na ako kikita, siya na ang bahala sa atin. Kailan man ay hindi tayo ginutom ng Diyos. Pipiliin ko siya, kaya problema na nya yun kung saan ako kukuha ng pera.
At mula ang sa provision ng panginoon, nagkatrabaho ang mga kapatid ko at hindi naman ako nawawalan ng benefactors. If I wanted to remind myself to be humble, I always look at my situation now. Never akong umasa sa pinaghirpan ng iba. I earn what I keep, with my sweat and blood. I owe where I was to myself and my hard work, pero eto ako ngayon na ultimo toothpaste at pambili ng brief inaasa sa benefactors at mga kaibigan – kapuso, kapatid at kapamilya. Minsan ay inabutan ako ng P50 ng isa sa production assistant ko dati na malapit sa akin, sabi ni Hazel ‘tay magtaxi ka na pauwi ng Makati para safe at hindi ka naman talaga mahilig mag commute. Tinanggap ko ang pera sabay yakap sa kanya, pasasalamat sa pag-alala at sa pagmamahal. Mula gma7 hanggnag crossing umiiyak ako sa taxi at tinatanong ko ang sarili kung tama ba ang desisyon ko.
Natutunan kong napakaraming hindi nabibili ng pera.
Akala ko noon mahal na mahal ako ng pamilya ko kasi ako ang nagdadala ng okasyon sa amin. Birthday, holiday, mother’s day at kung ano pang day – sagot ko ang handa. Laong lalo na ang Pasko. Pero hindi pala, kasi ngayon umuuwi akong walang dala kapag may okasyon ganun pa rin ang kanilang pag-iistima. Laging parang may OFW na dumating kapag home weekend ko. Kailngan ko daw tikman lahat ng niluto nila. Dama ko din ang totoong presence ko sa kabila ng payak na salo-salo. Nakakapgkwentuhan kami at videoke hanggang umaga ng walang tumatawag sa akin sa kalagitnaan ng Noche Buena para sabihing kailangan ko ng pumasok at may breaking story daw kami. Oo, sagot na ng panginoon lahat ng kakailanganin ko. Mula tuition, school related expenses hanggang sa additional na prizes at budget sa mga programs. Tiwala ko lang sa kanya at pagmamahal sa mga tao ang kapalit.
End of Act 2.
Act 3: Bukas yun.
My prayer now is the gift of Openness. Ang maging bukas ang isip sa bagong karunungang natatanggap mula sa pag-aaral muli. Lalo na ang matanggap at maisabuhay ang pilosopiya. Nalaman ko nga na I truly exist noong makagat ako ng aso at kinalimutan ko ang Cartesian dualism. I experienced pain and anger and confusion, mula sa senses na nakadama nito. The world is really in here and not some where else, narito ang aso na kumagat sa akin at wala sa ideal world kung saan walang asong nangangat ng tao, sa world ni Plato. Dalawang beses sa isang taon akong na-emergency at alam kong malalagpasan ko ito kung tatandaan ko lang ang Humanism ni Marx. Pero kidding aside, openness of the mind to the knowledge I gather from the subjects I am in and the subjects that I also teach.
I pray for openness of my heart. Ang maging bukas ang aking puso sa lahat ng kailangan kong maramdman na makapag-papahina, makapag-papalakas at makapagpapatag sa akin bilang tao at bilang nasa formation. Ang matutong ibigin ang Diyos ng lubos sa pamamagitan ng pagmamahal sa kaniyang mga nilikha lalo na sa mga taong minsan ay nakapag dadala sa iyo ng sakit at inis. Isasaisip na may dahilan ang panginoon sa mga pinagdaddnan ko ngayon.
I pray for openness of my hands. Ang maging bukas ang aking mga kamay sa mga gawaing iniataang sa akin at sa mga darating pa. Ang i-abot ang aking kamay sa mga maaring mangailanagn ng aking tulong. Ang maibigay ang lahat kahit sa aki’y wala ng matira. Sapat na ang malaman na ako ay kinailangan at nakapag silbi sa iba.
End of Act 3
Epilogue:
Apektado ako sa mga nangyayari saking paligid. Noong lumabas si Xedrix at ngayong lumabas si Ruther, hindi ka maiwasang magtanong sa aking sarili. Ano kaya ang naging problema? Alam ko naman pinagdadaanan ko din ang mga pinagdadaanan nila. Ang patuloy na paghahanap sa sarili sa kalagitnaan ng mga posibilidad. Ang hanapin ang dating gawi at luho sa trabaho. Ang mangulila sa mga kaibigan, pamilya at katipan. Pero iba na ngayon, ito na ang buhay ko. Nagninilay, sumusubok, tumitipa, nasasaktan, nagmamahal nanalangin. Nararanasan ko ang mga ito dahil narito na ako sa loob at narito na ang puso ko.
No comments:
Post a Comment