ang pag-iisip ng Panginoon ay kaiba sa kaisipan ng tao.
sa pagsunod sa kanya, natutuklasan nating:
mawalan para magkaroon.
sumuko para manalo.
mamatay para mabuhay.
magbigay para may matanggap.
maglingkod para maghari.
maghasik para umani.
sa ating kahinaan tayo'y pinalalakas.
sa ating pagkaaba tayo ay itinataas.
at sa ating kawalan tayo ay pinupunan.....
Friday, February 06, 2009
gamot sa puso
mayroon daw 3 lason sa ating puso: kasakiman, poot at takot.
subalit sa pagbabahagi, nagagamot ang kasakiman;
sa pagkahabag, humuhupa ang poot;
at sa pananalig nalalagpasan ang takot.
subalit sa pagbabahagi, nagagamot ang kasakiman;
sa pagkahabag, humuhupa ang poot;
at sa pananalig nalalagpasan ang takot.
mulat ang mata
Kung ako ay mananalangin
Imumulat ko aking mga mata
Para lahat ay aking makikita
Walang ikukubli sa aking paningin
Kung ako ay mananalangin
Imumulat ko aking mgat mata
Ipagdarasal ko lahat ng kakilala
Hanggang matupad dalangin nila
Imumulat ko aking mga mata
Para lahat ay aking makikita
Walang ikukubli sa aking paningin
Kung ako ay mananalangin
Imumulat ko aking mgat mata
Ipagdarasal ko lahat ng kakilala
Hanggang matupad dalangin nila
panalangin
Kailangang malaman ng Diyos ang iyong kailangan
Hindi dahil madali siyang makalimot
Kung hindi dahil gusto niyang madama
Ang tamis ng iyong panalangin
Hindi dahil madali siyang makalimot
Kung hindi dahil gusto niyang madama
Ang tamis ng iyong panalangin
Wednesday, July 23, 2008
sa panalangin ko
bago ako umalis ng bahay ay hiniling ko sa Panginoon na gabayan
niya ang araw ko. alisin ang mga agam-agam at takot sa dibdib ko.
ihinabilin ko ang aking pamilya, trabaho at bokasyon ko. lalong lalo
na ang mga mangyayari sa maghapong tatahakin ko.
mahalaga ang july 22 na ito, kakaiba sa mga july 22 na naranasan ko.
tatanggapin ko na kasi ang sagot sa application ko. ang muling makabalik
sa formation. matapos ang halos dalawang taon na pagiisip, pagninilay
panunuri at pagtataya. muli akong nagtangka.
alas diyes ang takdang oras ng schedule ko. tinapos ko ang aking trabaho.
mula sa isang makapigil hininga at parang nasa pressure cooker na
gawain ay susuong ako muli sa isang kalmante at tahimik na environment.
nakarating ako sa oras na itinakda. nagsimula sa kuwentuhan ang lahat.
sa halos kalagitnaan ng usapan ay inilahad na sa akin ang sagot nila sa
application ko.
tanggap ako.
biglang nag-iba ang timpla ko. kagaya rin ngayon ng isinusulat ko ang
karanasang ito. hindi kayang i-contain ang pakiramdam ko sa mga
salita. nanlalambot ako, nanlalamig. gusto kong umiyak sa pagitan ng
aking mga tango at sagot sa mga itinatanong sa akin. parang natatakot
ako na hindi ko alam. masaya na nagaagam-agam. sigurado pero may
mga taong. may mga sagot sa isip pero hindi tiyak.
maraming magbabago sa plano ko. may mga taong tiyak kapag nalaman
ay maapektuhan.
pero nanalig ako. isinuko ko na ang lahat bago ko pa malaman ang sagot
sa application ko. ayaw ko munang magplano at manguna. Bahagi ang
lahat na ito sa plano Niya. mananalig ako, magtataya at magmamahal

Labels:
edward dantis,
journey,
life change,
panalangin,
pananalig,
prayer,
reflection
Saturday, May 06, 2006
hindi magbabago
isang bagay lang sa mundo
ang hindi nagbabago
ito ang pag ibig ni Kristo
bago ako nagmahal
sa kapwa ko
una muna Niyang
minahal ako
akin lamang ibinabalik
sa mga tao
ang pagmamahal
na tinanim Niya sa puso ko
nawa'y
sa aking pagtalima sa Kanya
ay matutunan ko
ang maglingkod ng tama
at magmahal ng totoo
ang hindi nagbabago
ito ang pag ibig ni Kristo
bago ako nagmahal
sa kapwa ko
una muna Niyang
minahal ako
akin lamang ibinabalik
sa mga tao
ang pagmamahal
na tinanim Niya sa puso ko
nawa'y
sa aking pagtalima sa Kanya
ay matutunan ko
ang maglingkod ng tama
at magmahal ng totoo
Labels:
edward dantis,
pagmamahal,
panalangin,
pananalig,
prayer
Subscribe to:
Posts (Atom)